Anting-anting pangontra daw sa disgrasya at panlaban din sa masamang espiritu?
Para sa mga antingero o sa mga mahihilig sa mga anting-anting kadalasan nakukuha ito sa kalikasan. Maari ito’y parti ng punong kahoy, buto ng hayop o ngipin ng buwaya, pwede rin na isinulat na orasyon o kaya’y isang banal na libro.
Pero paano nga ba naging bahagi ng kulturang Pilipino ang paniniwala sa powers ng anting-anting?
Bago pa tayo nasakop ng mga Kastila kilala na ang mga ninuno natin sa paghawak at paggamit ng talisman o charms na pinaniniwalaang nagbibigay ng proteksyon sa kanila.
Marami din na katawagan para sa mga bagay na ito. Bertud, mutya, agimat o anting-anting.
Kadalasan makukuha daw ang anting-anting sa mga ilog at kabundukan. Kaya naman sa modernong panahon tuwing Biyernes Santo nagtitipon-tipon ang mga antingero sa Bundok Banahaw.
Ito daw ang tamang panahon at araw para ma recharge ang power ng kanilang anting-anting.
Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.