Ang painting na gawa ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ay kasalukuyang pinagpipiyestahan sa social media.
Ang painting na kung saan makikita ang tila isang pribadong parte ng isang lalaki ay kasalukuyang naka-display sa SMX Convention Center, SM Aura Premier, Taguig City.
Ang 48X48 na gawa ni Goma na may title na “OOOOHH,” ay sinasabing nagkakahalaga nang 196,000 pesos.
Sa kasalukuyan, ang post ni Jayvee Araneta na kung saan makikita si Mr. Gomez kasama ang kaniyang painting ay umabot na ng 11K comments and meron na din itong 7.8K shares sa FB.