Si Mr. Steven Patrick Gorlick ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang naging kalive-in partner na Pinay.
Ayon sa kaniyang sumbong, ang kaniyang kasintahan na si Ms. Margie Ferrer ay meron na daw ito ngayong ibang minamahal.
“She had an affair with a married man and we split up and the married man threatened me,” sabi ni Mr. Gorlick.
Ang pinakapakay ng Australiano kung bakit siya nagsadya sa programa ni idol Raffy ay para makuha niya ang mga bagay na kaniyang naibigay sa dati niyang kasintahan.
“I’d like to retrieve my possession from Ms. Margie Ferrer,” sabi ni Mr. Gorlick.
Para maliwanagan, tinawagan din ng programa ang inirereklamo para makapagbigay din ng kaniyang panig.
Doon nabanggit ni Margie na meron na daw kaso si Steven na VAWC dahil hindi daw maganda ang kaniyang naging karanasan kay Steven sa loob ng anim na taon nilang pagsasama.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kanilang kwento.