X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

The Killer Bride | August 19, 2019 | Episode 6 Highlights

by | Posted on: August 20th, 2019 | No Comments | Entertainment

Andito na ang highlights ng episode 6 ng “The Killer Bride” na na-ere sa ABS-CBN noong August 19, 2019 sa ganap ng 9:30 PM.

Nag umpisa ang lunes na episode kung saan hinahabol ng mga tauhan ng mga Dela Torre si Emma pagkatapos ito tumakas sa mansyon.

Nagawi si Emma sa plaza ng Las Espadas kung saan nandoon din si Elias nakikipag-party kasama ang kaniyang mga barkada.

Tinulungan siya ni Elias na makawala sa mga taong humahabol sa kaniya sa pamamagitan ng pagdisguise.

Nang makauwi na si Emma sa Dako Paroon, hinay-hinay siyang pumasok sa pintuan pero di niya namalayan na andun pala si Manay Ichu nakaabang sa kaniya.

Itinanong siya kung saan siya ni Manay Ichu kung saan siya galing at ang sagot ni Emma, “Sinilip ko lang po yung sayawan.”

Subalit nagduda ang may-ari ng punerarya na kaniyang pinagtratrabahohan dahil siya’y nakasuot pampatulog.

Si Elias naman habang nagmamaneho ng kaniyang multicab ay inaalala ang mga sandali kung saan tinulungan niya si Emma na makawala sa mga taohan ng mga Dela Torre.

Nang maka-akyat na si Emma sa bahay kung saan nandoon ang kaniyang kwarto ay muli niyang pinagmasdan ang litrato ni Camila. Dito nagkaroon siya ng mga flashbacks ng mga memorya ni Camila.

Kinabukasan naging laman na ng usap-usapan sa Las Espadas ang nangyari kung saan si Emma na nagpakilala na si Camila sa pamilya ng mga Dela Torre.

Ang tagpong iyon ay naging laman din ng social media.

Hanggang makaabot ang balitang ito kay Vito.

Balik sa Dako Paroon, pinupuri ng mga bisita ng yumao ang pagmake-up ni Emma sa kanilang sumakabilang-buhay na kakilala. Ipinakilala ni Manay Ichu si Emma sa mga panauhin ng kanilang punerarya.

Maya-maya pa ay dumating mga tauhan ng mga Dela Torre at pilit na kinukuha si Emma. Dali-dali naman siyang ipinagtanggol ni Manay Ichu.

Di kinalaonan ay dumating din sa lugar si Donya Guada dela Torre at may mga tanong siya kay Emma para malaman kung may kaugnayan nga siya kay Camila.

Walang kahirap-hirap na naisagot lahat ni Emma ang mga bagay na gustong malaman ni Donya Guada at ito’y tuloyan ng naniwala na bumalik na nga ang kaniyang apo.

Kinagabihan ay sinapi-an nanaman si Emma ng espiritu ni Camila at siya’y dinala sa lugar kung saan nagsimula ang lahat at kung bakit siya’y tinawag na the Killer Bride.

Dito nakita niya ang kaluluwa ni Camila. Nagmamakaawa si Emma na tigilan na siya subalit si Camila ay humingi ng tulong para hanapin at alamin kung sino ang pumatay sa kaniya.