X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

The Killer Bride Live Streaming | Episode 3 | August 14, 2019

by | Posted on: August 14th, 2019 | No Comments | Entertainment

Andito na ang episode 3 ng “The Killer Bride” na na-ere sa ABS-CBN sa gabi ng August 14, 2019 sa ganap ng 9:30 PM.


Note: The above live stream is an embed from the official ABS-CBN Entertainment
channel.

Ang teleserye na ito ay pinagbibidahan ni Maja Salvador kung saan gumaganap siya bilang si Camillia at ang kaniyang leading man dito ay si Geoff Eigenmann bilang si Vito.

Kasama din nila si Janella Salvador at si Joshua Garcia at marami pang ibang bibigating artista.

Ang istorya ng teleserye na ito ay tungkol sa isang lugar na kung tawagin ay Las Espadas.

Meron daw dito isang hindi matahimik na kaluluwa ng “Killer Bride”. Ayon sa kwento-kwento sa lugar, nagbabalik daw ito para maghigante sa mga taong nanakit sa kaniya.

Below is the recap for tonight’s episode:

Ang episode 3 ay nagsimula nang hatolan ng korte si Camila (Maja Salvador) ng reclusi├│n perpetua o ang tinatawag din na habang buhay na pagkakakulong.

Sa kauna-unahang pagkakataon bumisita si Vito (Geoff Eigenmann) sa kulungan at doon sinumbatan siya ni Camila dahil parang tuluyan na siyang kinalimutan at idiniin pa siya sa kaso sa pagpatay sa kaniyang kapatid na si Javier (Dominic Ochoa).

Sa kanilang pag-uusap napag-alaman ni Camila na ang gusto ni Vito ay kunin ang kanilang magiging anak at doon hindi siya sang ayon.

Nang si Camila ay ililipat na sa Correctional, iniluwal niya ang kaniyang babaeng sanggol habang siya’y nasa sasakyan ng BJMP. Pinangalanan niya ito na “Vida” na ang ibig sabihin sa inglis ay “Life”.

Sa kaniyang bagong nilipatan na kulungan, siya’y pinatuloy sa prison nursery at doon nakilala niya ang isa ring nanay na si Sharon (Karla Pambid).

Si Sharon ay nagbigay ng payo kay Camila na kung maari ay sa tatay na lang ipaalaga ang kaniya anak dahil sa hirap ng buhay sa kulungan. Sa umpisa tutol si Camila sa sinabi ng kaniyang bagong kaibigan pero nung nagkasakit ang kaniyang anak doon niya na napagtanto na mas mainam kung nasa kay Vito ang anak nila na si Vida.

Sa Las Espada naman, namigay ng leaflet ang abogado ni Camila kung saan nandoon ang sketch ng symbolo na nakita ni Camila sa dibdib ng isang misteryosong tao nung pinaslang si Javier.

May isang tao sa lugar nila ang nakipagkita sa abogado at sinabi niya na alam niya ang tao na hinahanap subalit siya’y natatakot magsalita dahil baka siya ay matulad din sa sinapit sa nakatatandang kapatid ni Vito.

Tinawagan ni Atty. de Leon (Maila Gumila) si Camila sa nasagap niyang magandang balita na pwede nilang magamit sa pag-apela sa kanilang kaso. Ngunit habang ang abogado ay nagsasalita pa sa telepono ay may pumasok na ibang tao sa kaniyang bahay at siya’y pinaslang.

Nakita ni Camila sa TV ang balita pero ipinapalabas na ang kaniyang tagapagtanggol sa korte ay nagpakamatay.

Maya-maya rin may pumasok na misteryosong tao sa kusina ng kulungan at nagpasiklab ng apoy na siya ang naging sanhi sa sunog sa lugar.

Dali-dali si Camila na tumakbo sa clinic kung saan nandoon ang kaniyang anak na si Vida na ginagamot dahil sa mataas na lagnat.

Subalit ang seksyon din na iyon ay tinupok din ng apoy pati ang crib kung saan huli niyang nakita ang kaniyang sanggol.

Isang haligi na umaapoy ang nahulog at ito’y tumama kay Camila. Sa pagkakataon na iyon ay napalibotan na siya ng apoy at wala ng puwang na siya’y makakalabas.

Bago siya tuloyang lamunin ng apoy ay sumumpa si Camila na babalikan niya ang pumatay sa kaniyang anak.

Hindi sa kalayu-an nakamasid ang isang nurse at nasaksihan niya ang isang kagimbal gimbal na pangyayari.