Pinoy Lyrics

Mahal Pa Rin Kita By Loisa Andalio (Lyrics)

by | Posted on: November 20th, 2018 | No Comments |

Here is the “Mahal Pa Rin Kita” lyrics published by Star Songs and sung by Loisa Andalio.

Ngayon aasa pa rin
Na ako’y iyong muling mamahalin
Pinilit ko mang pigilin
Ngunit bakit ikaw at ikaw pa rin

Bakit ako’y iyong binalewala
At agad-agad mong pinalayas
Ang puso ko nagmamahal pa
Matatamis na salitang binitawan
Hinding-hindi malilimutan

At hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isipan
Ikaw ang hinahanap-hanap

Mahal pa rin kita
Ikaw lang at wala ng iba
Sana ay malaman mo
Na ako lang ang babaeng nagmamahal sa’yo

Mga halik at yakap
Na lagi-lagi kong hinahagilap
Masasayang alaala
Na lagi-lagi kang nakakasama

Ngunit nawala na
Na parang bula
At paano na kaya ito
Maibabalik pa

Mga salita na binitawan mo’t pangako
Ngayon ay napako
Kahit na iniwanan mong nag-iisa
Sana ngayon ay alam mo na

Mahal pa rin kita
Ikaw lang at wala ng iba
Sana ay malaman mo
Na ako lang ang babaeng nagmamahal sa’yo

Mahal pa rin kita
Ikaw lang at wala ng iba pa
Sana ay malaman mo
Na ako lang ang babaeng nagmamahal sa’yo

Leave a Reply