Pinoy Lyrics

Talulot Ng Sakura By MNL48 (Lyrics)

by | Posted on: October 27th, 2018 | No Comments |

Here is the “Talulot Ng Sakura” sung by the Filipino idol girl group MNL48.

Ang Liwanag ng araw ay tanaw
Sa bintana ng silid
Ang tagsibol ay malapit na’ng hangganan

Makikita na nakauniporme
Habang nasa klase ang lahat
Mukhang handa na sa hamon ng buhay

Kanya-kanyang kinabukasan
Tatahakin ng bawat isa
Pakpak ng pangarap
Natin nagsimula nang bumuka

T’wing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid ay dinig mo ang
Kampana ng pag-asa
Bigay sa atin ay tapang at kalayaang
Mamili ng pupuntahan

T’wing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid, may nananalanging
Kayanin nya sana
Pagsubok na dulot ng bagong mundo
Pintuang bubuksan na pinili ko

Ang awayan sa telepono
ay sa iyakan nagwakas
Naaalala at hinahanap-hanap
Magkasamang naranasan
Kalungkutan at ang saya
Kahit na kailqn di naiwang mag-isa

Nakangiti sa ‘king larawang
Pagtatapos ng pag-aaral
Pagpalit ng panahon, hudyat na rin ng
Sayonara…

Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Kasabay ng pag-akyat sa hagdan ng pagtatapos
Sa asul na langit habang nakatingin
Humihinga ng malalim

Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Mga alaala na kay ganda pumapapaimbulog
Sa pagtahak sa bagong yugto ng ating buhay
Mga kamay, sabay-sabay nating wagayway

T’wing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid ay dinig mo ang
Kampana ng pag-asa
Bigay sa atin ay tapang at kalayaang
Mamili ng pupuntahan

T’wing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid, may nananalanging
Kayanin nya sana
Pagsubok na dulot ng bagong mundo
Pintuang bubuksan na pinili ko

Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Kasabay ng pag-akyat sa hagdan ng pagtatapos
Sa asul na langit habang nakatingin
Humihinga ng malalim

Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Mga alaala na kay ganda pumapapaimbulog
Sa pagtahak sa bagong yugto ng ating buhay
Mga kamay, sabay-sabay nating wagayway

Note: This song is a good candidate during graduation days. Sakura is a flowering tree which is very rare in the Philippines.

Leave a Reply